GAGAYA | NPA, mang-aaresto rin?

Manila, Philippines – Nagbabala ang isang militanteng kongresista na maaring tapatan din ng New People’s Army ang ginagawa ngayon na pagpapaaresto sa mga consultant sa pakikipag-usap pangkapayapaan sa gobyerno.

Nababahala si Anakpawis partylist Representative Ariel Casilao na lumala ang sitwasyon sa pamamaraan ng pagtrato sa mga NDF consultants.

Aniya, mala tokhang ang istilo pag-aresto partikular na ang pagtatanim ng mga armas sa mga inaaresto.


Binigyan diin ni Casilao na hindi malulutas ang problema ng insurhensiya sa pamamagitan ng dahas.

Mas malalagay aniya sa magandang poder ng kasaysayan si Pangulong Rodrigo Duterte kung malutas ang kahirapan at inhustisya na tunay na ugat ng insurgency.

Aniya, magpapasaklolo na sila sa Korte Suprema dahil ito lamang ang tanging may karapatan na mag revoke sa piyansa ng mga NDF consultants.

Facebook Comments