Manila, Philippines – Tinututukan ng PAGASA ang galaw ng bagyong Gorio upang malaman kung ano ang epekto nito sa Metro Manila at karatig lalawigan.
Ayon kay Lorie Dela Cruz, weather forecaster ng PAGASA, mamayang alas singko ng hapon ay magpapalabas sila ng bulletin para malaman ang lakas ng epekto ng bagyong Gorio pero kaninang alas onse ng umaga ang mata ng bagyong Gorio ay nasa 595km Silangan ng Casiguran Aurora na may taglay na lakas na 65 Kph. malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 80 kilometro bawat oras.
Tinatahak ng bagyong Gorio sa direksyon sa Hilaga-Hilagang-Kanluran na may bilis na 13 kilometro bawat oras.
Paliwanag ni Dela Cruz wala namang nakataas na Tropical Cyclone Warning sa anumang bahagi ng bansa.
Sa panig naman ng water level ng mga Dam, ayon kay Hydrologist Jason Bausa, na tanging ang Ipo Dam lamang ang tumaas sa normal High Water level na umaabot sa 101.22 meters kung saan ang Normal High Water level nito ay 101 meters tumaas ng .22 meters.
Paliwanag ni Bausa ang water level ng Angat Dam ay 185.65 bumaba ang water level ng 0.07 kumpara kahapon na 185.72 meters,La Mesa 76.59 meters tumaas ng 0.04 kumpara kahapon na 76.55 meters, Ambuklao 742.84 meters bumaba ng 0.12 meters, ang Binga tumaas ng 1.37 meters, tumaas din ng 0.03 meters ang San Roque Dam.
Dahil dito pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na maging mapagmatyag sa kanilang lugar at palagiang makinig sa DZXL para sa Weather Update mamayang alas singko ng hapon.