Galing ng Pinay! Filipinas, pasok na sa ikalawang round ng Olympic qualifiers

Pasok na sa second round ng 2024 AFC Women’s Olympic Qualifying Tournament ang Philippine Women’s National Football Team.

Ito ay kasunod ng kanilang panalo kontra Hong Kong sa laban na ginanap sa Tajikistan.

Matapos ang 4-0 na panalo, nakumpleto ng Filipinas ang sweep sa group e ng first round ng qualifiers para sa kabuuang 16 goals kontra Hong Kong, Tajikistan at Pakitan.


Nanguna para sa pambansang koponan sina Sarina Bolden, Meryll Serrano at Quinley Quezada.

Sa ngayon, makakasama ng Filipinas sa second round ang nauna na ring makapasok na Australia, Japan, China, South at North Korea.

Gaganapin ang second round ng Olympic qualifiers sa buwan ng Oktubre.

Facebook Comments