GALING NG PINAY! | Hidilyn Diaz, itinanghal na number 1 female weightlifter

Hinirang na top female weightlifter sa buong mundo si Rio Olympics silver medalist na si Hidilyn Diaz.

Nakuha niya ang no.1 spot sa 53 kilogram division ng International Weightlifting Division (IWF).

Ito ang unang beses na naging world’s number 1 ang isang Pinay sa IWF rankings.


Sa ngayon, abala si Hidilyn at iba pa nating weightlifters para sa IWF World Championships sa susunod na buwan.

Magsisilbi itong qualifier sa 2020 Tokyo Olympics.

Facebook Comments