Thailand – Nasa 103 medalya ang naibulsa ng mga manlalaro ng Pilipinas sa katatapos lang na Skate Asia 2018 sa Bangkok, Thailand.
Binubuo ito ng 50 gold medals, 43 silver medals at 10 bronze medals.
Labing-pitong Filipino figure skaters ang lumahok sa 100 events sa torneo na ginanap mula August 5 hanggang 12.
Nakuha ng 13-anyos na si Justine Gabrielle Lim ang unang pwesto sa pitong events habang ang 16-anyos na si Karylle Cate Kho ay nanguna naman sa limang events.
Nabatid na nasa 1,000 skaters mula sa mga bansang China, Malaysia, Hong Kong, Singapore at Vietnam ang lumahok sa Skate Asia.
Facebook Comments