Galing ng Taga – Baguio!

Baguio, Philippines – Isa sa mga pangunahing programa ng panagbenga Festival ay pormal ng binuksan para sa publiko.

Ito ay ang Baguio Creative Hubs, ito ay isang exhibit kung saan ipinapakita ang kultura at pagkamalikhain ng mga taga Baguio at Cordillera.

Magtatagal ang nasabing exhibit nang dalawang linggo, mula Pebreo 11 hanggang Pebrero 24 sa People’s Park sabay sa pagdiriwang ng lungsod. Ang magandang balita pa ay ang pag anunsyo ni Mayor Mauricio Domogan na kabilang na ang Baguio City sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO – Creative Cities Network, na kung saan tinagurian itong unang lungsod na tinalaga bilang UNESCO Creative City for Craft and Folk Art.


Tara idol, puntahan natin yan sa People’s Park!

Facebook Comments