Galing ng Zamboangueño! By: Ate Khatz

12

Nagbunyi ang mga tagasuporta ni Hydily Diaz matapos mag-uwi ng Dalawang Bronze Medal si Diaz mula sa kanyang nakaraang laban sa women’s 55-kilogram category ng 2019 World Championship na ginanap sa Pattaya, Thailand.
Mula 11th spot noong 2018 World Champions sa Ashgabat, Turkemistan umakyat sa 3rd overall sa 55kg women category si Diaz. Gold level kung maituring ang laban sa Thailand dahil dito magmumula ang resulta ng mga maaring sumabak sa 2020 Tokyo Olympics.
Sa pagkakataong ito Southeast Asian Games naman ngayon ang inaabangan ni Diaz na Silver Level kung maituturing.
Patuloy naming pinapakita ng mga Zamboangueño ang suporta para sa World Class na Performance ni Diaz.

Samantala., isa pang Pride of Zamboanga na si Eumir Marcial ang nabigyan ng karangalan hindi sa Zamboanga kundi sa buong bansa. Ito’y matapos Manalo ng Silver Medal sa World Boxing Championships sa Middleweight Category si Marcial sa EXPO Arena, Ekaterinburg, Russia noong Sabado (September 21),
Matatawag na Rare Feat ang na-Achieved ni Marcial syang ang pangatlong Pinoy ang nagwagi ng Silver sa World Boxing Championships maliban kina Roel Velasco (1997)  at Harry Tañamor (2007).
Lumaki si Marcial sa Barangay Lunzuran, bayan ng Zamboanga kaya naman lubos na ipinapakita ng mga Zamboangueños ang suporta para kay Marcial na “Orgulio de Mindanao” (Pride of Mindanao) kung tatawagin.
Kasalukayan na ring naghahanda si Marcial para sa darating na Southeast Asian Games.
Photos:ctto


Facebook Comments

From Advertisers