
Dumoble ang dami ng nahuhuling galunggong na ibinabagsak sa Navotas Fish Port Complex nitong Marso 2026.
Ayon sa Philippine Fisheries Development Authority, naitala sa mahigit 16,000 metric tons ang naitalang huli.
Ito’y kung ikukumpara sa mahigit 8,000 metric tons na naitala sa parehong buwan noong nakaraang taon.
Ipinapakita nito ang malakas na pagbawi ng sektor ng pangisdaan kasunod ng closed fishing season at mas maayos na kondisyon sa pangingisda.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na bunga ito ng matagal nang pagpapatupad ng mga polisiya sa pangisdaan, kabilang ang closed season na nakatulong sa pagdami ng isda.
Kabilang sa mga nahuling galunggong ang shortfin scad at bigeye scad, na inaasahang magpapatuloy ang peak season hanggang Hulyo.
Dagdag pa ng PFDA, nakatulong din ang maayos na operasyon sa pantalan at mga pasilidad upang masigurong maayos ang distribusyon ng suplay sa merkado.










