Galvez, itinangging “back to square one” ang COVID-19 response

Itinanggi ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na “back to square one” ang pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19.

Ito ay kasunod ng malaking itinaas ng kaso ng COVID-19 nitong mga nagdaang araw.

Ayon kay Galvez, maayos ang paghawak at pagtugon ng pamahalaan sa sitwasyon.


Ipinapatupad ang mga “decisive” at “drastic” measures para mapabagal ang pagtaas ng kaso habang binabalanse ang kalusuganat ekonomiya.

Sa presensya ng mga bagong variants, sinabi ni Galvez na dapat sundin ng publiko ang mga adaptive measures para mapigilan ang pagkalat nito.

Para sa vaccination program, sinabi ni Galvez na nananatiling committed ang gobyerno na mabakunahan ang 70 milyong Pilipino ngayong taon.

Pero hamon pa rin aniya sa pamahalaan ang global vaccine supply shortage para mapabilis ang vaccination program.

Kumpiyansa si Galvez na darating ang bulto ng vaccine supplies sa second quarter ng 2021.

Facebook Comments