Galvez, nagbabala laban sa mga ilegal na nagbebenta ng COVID-19 vaccines

Nagbabala si Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. laban sa mga ilegal na nagbebenta ng COVID-19 vaccines sa bansa.

Ayon kay Galvez, ang COVID-19 vaccine sa Pilipinas ay mayroon pa lamang Emergency Use Authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration (FDA) kaya hindi pa ito maaaring ibenta sa merkado.

Aniya, ang ganitong gawain ay hindi lamang makakaapekto sa vaccine rollout sa bansa, kundi malalagay rin nito sa kapahamakan ang sinumang bibili ng hindi otorisadong anti-COVID-19 vaccines.


Tiniyak naman ni Galvez na iniimbestigahan na nila ito at paparusahan ang mapapatunayang sangkot sa illegal na bentahan ng COVID-19 vaccine.

Hinikayat din nito ang publiko na isumbong sa kanila ang mga taong magbebenta ng COVID-19 vaccine.

Facebook Comments