Galvez, nagbabalang magkakaroon ang Pilipinas ng outbreak na tulad sa India kung hindi mapipigilan ang Delta variant

Pinayuhan ng National Task Force against COVID-19 ang mga Pilipino na patuloy na sumunod sa minimum health standards.

Dahil kung hindi, sinabi ni NTF Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na kakalat ang Delta variant ng COVID-190 ay posibleng mauwi sa matinding outbreak na katulad ng nararanasan ngayon sa India.

Hinimok ni Galvez ang business sector at Local Government Units (LGUs) na maging mapagbantay dahil mas nakakahawa ito at malala.


Dagdag pa niya, hindi pa rin protektado mula sa mga bagong variants ang mga taong naturukan lamang ng first dose ng COVID-19 vaccines.

Ang mga nakatanggap naman ng double dose o fully vaccinated na ay mabibigyan ng “extra protection” mula sa mga variants.

Batay sa pag-aaral ng Boston Consulting Group (BCG), ang Delta variant ay “2.6 times” ang increased transmission at mas malala kumpara sa original strain.

Mula nitong June 20, aabot na sa 6.2 million Filipinos ang nakatanggap ng first dose habang 2.1 million ang fully vaccinated.

Facebook Comments