Galvez, nakatanggap na ng second dose ng COVID-19 vaccine

21

Kinumpirma ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na naturukan na siya ng pangalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Galvez, nararamdaman niya ang pagka-antok matapos ang kanyang pagpapabakuna noong March 29.


Sabi aniya ng kanyang mga doktor na magandang senyales na nakakaranas siya ng pagka-antok matapos mabakunahan dahil patunay ito na may epekto ang bakuna.

Gayumpaman, sinabi ni Galvez na susundin pa rin niya ang “vaccine plus” strategy tulad ng pagsunod sa minimum health standards.

Ang unang dose ng Sinovac COVID-19 vaccine ay ibinigay kay Galvez noong March 1 at nagkaroon siya ng mild reactions tulad ng runny nose noong March 2.

Matatandaang sinabi ng Department of Health (DOH) na ang Coronavac vaccine ay 100% na epektibo laban sa severe infections at hospitalization at 70% effective para maiwasan ang moderate infections.



Facebook Comments