Galvez, tiniyak na mababakunahan din ang mga kabataan laban sa COVID-19

Kailangang mabakunahan laban sa COVID-19 ang buong populasyon ng bansa para tuluyang mapuksa ang sakit.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., binanggit ng mga eksperto na hindi mawawala ang COVID-19 kung hindi mababakunahan ang malaking bahagi ng populasyon.

Bagamat limitado ang kasalukuyang supply ng bakuna sa adult Filipinos, inaasahang magbabago ito at masisimulan na rin ang vaccination sa iba pang age groups lalo na ang mga kabataan.


Ang Canada aniya at US ay nagsimula nang bakunahan ang kanilang mga batang may edad 12-anyos pataas.

Gagayahin ng pamahalaan ang istratehiya ng Israel na abutin ang herd immunity sa pamamagitan ng pagbabakuna sa halos 60-porsyento ng populasyon.

Una nang sinabi ni Galvez na target ng pamahalaan na mabakunahan ang 58 milyon mula sa 110 milyong Pilipino para makamit ang herd immunity.

Facebook Comments