Galvez, tiwalang magkakaroon ng equitable distribution ng COVID-19 vaccines

Tiwala si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na magkakaroon na ng patas at maayos na distribusyon ng COVID-19 vaccines sa bawat rehiyon.

Ito ay kasabay ng pagdating ng isang milyong doses ng Sinovac vaccines kahapon.

Ayon kay Galvez, karamihan sa mga bakuna ay gagamitin para sa second dose vaccination.


Ipapamahagi ang mga bakuna sa mga lugar sa labas ng National Capital Region kung saan patuloy na nakararanas ng surge.

Maraming local government units (LGUs) sa Visayas at Mindanao ang nananawagang padalhan sila ng karagdagang bakuna lalo na at bumababa na ang kaso sa NCR.

Facebook Comments