Galvez, umaasang walang aberyang mangyayari sa ikalawang BOL plebiscite

Umaasa ang pamahalaan na maiiwasan na ang mga aberya sa ikalawang plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) ngayong araw.

Ayon kay Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr., ginagawa ng mga ahensya ng gobyerno ang lahat sa pangunguna ng Comelec, PNP, AFP at mga guro para hindi na maulit pa ang ilang aberya noong unang plebisito sa Basilan at Sulu.

Kabilang rito ang flying voters, pananakot o harassment sa mga guro at paninira ng mga balota.


Sabi ni Galvez, kontento sila sa ginagawang paghahanda ngayon dahil nagkakaisa ang mga lokal na opsiyal mula sa oposiyon at administrasyon para suportahan ang pagpapatibay sa BOL.

Bukod rito, naging aktibo rin aniya ang gobyerno sa pagbibigay ng information at education program sa mga lokal na opisyal para ipaunawa ang layunin ng plebisito.

Facebook Comments