Gamboa, nagbantang sisibakin ang mga regional directors na hindi mapapatigil sa loob ng isang linggo ang illegal numbers game

225

Nagbanta si PNP Chief Police General Archie Gamboa sa kanyang mga PNP regional directors na masisibak ang mga ito sa pwesto kapag hindi nasawata ang illegal numbers game kasama na ang jueteng  sa kanilang area of responsibility.

Ito ay sa harap na rin ng maigting na kampanya ng PNP kontra iligal na sugal.


Ayon kay Gamboa, binibigyan niya ng isang linggo ang mga ito simula ngayong araw na pahintuin ang illegal gambling kabilang ang jueteng sa kani-kanilang lugar kung hindi ay matatangal ang mga ito sa pwesto.

Paglilinaw naman ni Gamboa na kahit magkano hindi sya kumikita mula sa iligal na sugal at wala siyang planong mangolekta mula rito.

Una nang sinabi ni Gamboa na hawak at ngayon ay nasa regional directors na ang listahan ng ibat ibang mga gambling operator sa bansa.

Nagbabala rin ang hepe ng PNP sa kaniyang mga kabaro na tumatayong protector ng mga pasugalan na hindi niya palalampasin ang mga ito.

Facebook Comments