Nakitaan ng Department of Justice (DOJ) ng probable cause ang reklamo laban sa 17 respondents sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) game-fixing scandal noong 2019.
Kabilang sa mga kakasuhan ng game-fixing charges si Soccsksargen Head Coach Ferdinand Melocoton at ilang basketball players.
Kakasuhan din ang isang “Mr. Sung” na sinasabing mastermind ng game-fixing scheme.
Sinasabing kumita ito ng mahigit ₱1 million sa naturang operasyon.
Kasama rin sa mga sasampahan ng kaso sa korte sina Sonny Uy, Serafin Matias, Jake Diwa, Exequiel Biteng, Jerome Juanico, Matthew Bernabe, Abaham Santos, Ricky Morillo, John Patrick Rabe, Ryan Regalado, Julio Magbanua, Janus Lozada, Joshua Alcober, at ang dalawang iba pa na nakilala lamang sa mga pangalang Kein at Emma.
Ang game-fixing charges ay isasampa sa mga korte sa Batangas, Malolos, Bacoor, Angeles, Pasay, Pasig, Caloocan at Muntinlupa.
Ang naturang resolution ay noon pang June 2020, subalit naantala ang pagsasampa ng kaso dahil sa pandemya.
Samantala, absuwelto naman sa kaso sina Kevin Espinosa, EJ Avila, Nino Dionisio at Nice Ilagan dahil sa kakulangan ng ebidensya.