Games and Amusement Board, pinakikilos para wakasan ang pustahan sa “ending”

Hinamon ni Senator Raffy Tulfo ang Games and Amusement Board (GAB) na magpakita ng mga aksyon nito para masugpo ang pustahan sa ‘ending’.

Sakali kasing walang maipakita ang GAB sa loob ng limang buwan ay mismong ang senador ang hihiling na magbitiw na ang mga opisyal nito sa pwesto.

Sa pagdinig ng 2023 budget ng board, nakwestyon ni Tulfo ang ahensya kung bakit walang nahuhuli sa ending at bookies at kung bakit karaniwang mga estudyante ang nasasangkot.


Bagama’t may mga kaso ng nahuhuli pero ang nangyayari aniya ay hulidap kung saan pinapalaya ng mga pulis ang nahuli na nagbigay ng suhol.

Giit ni Tulfo na dapat sumasama ang GAB sa operasyon nang sa gayon ay maging maayos ang hulihan.

Aminado naman si GAB Legal Division OIC Chief Atty. Ermar Benitez na wala silang organic team na nakatutok sa anti-illegal gambling operations.

Magkagayunman, patuloy ang kanilang koordinasyon sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) para sa mga operasyon laban sa illegal gambling.

Facebook Comments