Gaming agencies, paghuhugutan ng pondo para sa free college education – mga ahensya ng gobyerno hinimok din na magbayanihan para mag-ambagan sa pondo sa free tuition

Manila, Philippines – Kumikilos na ang House Committee on Appropriations para paghuhugutan ng pondo para sa Free College Education Act na kamakailan ay nilagdaan na ng Pangulong Duterte.

Ayon kay Appropriations Chairman Karlo Alexei Nograles, ilan sa posibleng kuhaan ng pondo para sa free tuition sa kolehiyo ay ang mga gaming agencies tulad ng PAGCOR at PCSO.

Aaralin muna nila ang charter ng dalawang gaming institution kung posibleng i-tap ang mga ito para makalikom ng pinansyal na tulong para mapondohan ang universal tertiary free tuition program.


Hinimok din ni Nograles ang mga ahensya ng gobyerno na magbayanihan para makaipon ng pondo sa free tuition.

Maaaring tapyasan ang mga sangay ng pamahalaan na may low absorptive capacity at pwedeng magkusa ang mga ahensya ng gobyerno na magbigay ng pondo.

Hindi aniya imposible na may malikom na pondo dahil nasa 26 na departamento, 110 government agencies at government corporations na pwedeng potential source ng budget ng free college education.

Nilinaw naman ni Nograles na walang pork barrel ang mga mambabatas sa 2018 budget para makuhaan ng pondo sa free tertiary tuition.

Ang PDAF aniya ay matagal ng naka-kalat sa mga ahensya ng pamahalaan at doon na dumidiretso ang mga benepisyaryo sa mga proyekto ng mga kongresista.

Facebook Comments