Hindi magkandaugaga ang mga residente sa island barangay sa Dagupan City sa pagbubuhat ng kanilang mga gamit para maisalba mula sa mataas na tubig baha.
Sa Barangay Calmay, may nagbuhat ng mga lalagyanan ng damit para hindi mabasa, may mga gamit naman na hinayaan na lang magpalutang lutang sa tubig baha dahilan na wala nang mapaglalagyan dahil naabutan na rin ng tubig.
Sa bahagi ng Pantal na nalubog rin sa tubig baha, ilang residente ang wala nang nagawa at hinayaan na lamang ang ilan sa gamit na mabasa ng tubig habang itinaas ang mga gamit ba kaya pang isalba.
Maging sa Pugaro, sinubukan pa ng ilang residente na maglagay ng harang sa kanilang mga kabahayan ngunit pinasok pa rin ng tubig baha.
Habang ang mga alagang hayop, hindi rin hinayaan na mababad sa tubig baha at inilagak muna muna sa mga matataas na bahagi.
Samantala, tuloy ang byahe ng mga motorboat drivers at operators sa mga island barangay sa kabila ng nararanasang sama ng panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









