Gamit Pampasabog, Baril at Bala, Nasabat ng mga Awtoridad!

30

Maddela, Quirino – Matagumpay na nasabat ng pinagsanib na pwersa ng mga pulis at sundalo ang ilang baril at mga bala kaninang alas otso y medya ng umaga sa Barangay Jose Ancheta, Maddela, Quirino.

Batay sa impormasyong ipinarating sa RMN Cauayan, ikinasa ng pinagsanib na elemento ng PNP PRO2, MIG2, ISAFP, 5MIB, 5ID, at PA ang search warrant sa nasabing lugar kung saan narekober ang isang kalibre 45 baril, dalawang magazines na kargado ng mga bala, mga subersibong dokumento, improvised explosive devices (IED’s) o pampasabog at isang laptop.

Nadakip din ang pangunahing target ng operasyon na kinilalang si Kevin Bulayo Nilo, alyas Glenn.

Dadalhin naman ang mga narekober na kagamitan mula Quirino diretso sa Nueva Vizcaya PPO.

Facebook Comments