Kasama rin sa nakadiskubre ng mga gamit ng rebeldeng grupo ang First Kalinga Provincial Mobile Force Company (1st KPMFC) OPLAN “EAGLE SPEAR”.
Nadiskubre ang nasabing kuta ng rebeldeng grupo habang nagsasagawa ng Internal Security Operation ang mga awtoridad base sa natanggap nilang intelligence information.
Ilan sa mga gamit pandigma na narekober sa kampo ng mga rebelled ang limang (5) piraso ng 40mm cartridge, anim (6) piraso ng grenade rifles with canister, labing-siyam (19) piraso ng electric blasting caps,dalawang piraso ng dynamite gel, 22 meters na haba ng electrical wires at dalawang (2) detonator battery pack 12 volts.
Bukod pa dito, kasama rin ang mga subersibong dokumento gaya ng IEC materials, Lecture materials w/ pamphlets gayundin ang mga personal na gamit ng mga miyembro ng makakaliwang grupo gaya ng improvise Ghillie Suit, rubber boots.
Kabilang rin sa nakuha sa lugar ang isang (1) butane gas, plastic gallon na naglalaman ng bigas, at isang (1) backpack.
Nag-ugat ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang kinauukulan mula sa local community.
Kaagad namang sinira ang nasabing kampo ng NPA habang dinala na sa Kalinga Police Provincial Office ang mga nakuhang gamit pandigma para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.