GAMOT KONTRA LEPTOSPIROSIS, IPINAMAHAGI SA MGA ISLAND BARANGAY SA DAGUPAN CITY

Namahagi ng mga gamot na doxycycline laban sa leptospirosis ang Pamahalaang Panlungsod sa mga residenteng apektado ng pagbaha sa Dagupan City.

Kabilang sa mga nabigyan ang mga island barangay at iba pang lugar na labis na naapektuhan ng Bagyong Uwan.

Layunin ng distribusyon na mapigilan ang pagkalat ng sakit, lalo na sa mga lugar na matagal nang binabaha.

Nauna nang nagbabala ang Department Of Health sa posibleng pagtaas ng kaso ng sakit dahil sa sunod-sunod na sama ng panahon na dahilan ng malawakang pagbaha sa mga komunidad. Mula sa tubig baha, posibleng manggaling ang kontaminasyon mula sa ihi ng mga hayop na nagdudulot ng Leptospirosis.

Kasabay ng kaliwa’t kanang hakbang upang makabalik sa normal ang pamumuhay ng mga Dagupenos, iginiit ang nararapat na pagtutok sa kalusugan ng mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments