GAMOT KONTRA LEPTOSPIROSIS, NAKAHANDA NA SA ILANG BAHAING BARANGAY SA DAGUPAN CITY

Tiniyak ng pamunuan ng Barangay IV sa Dagupan City na nakahanda na ang suplay ng Doxycycline at iba pang gamot kontra leptospirosis bilang paunang hakbang ngayong nagsimula na ang tag-ulan.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Brgy.Capt. Alfonso Zabala Jr., sinabi nitong hindi tumitigil sa pag-iikot ang mga barangay health workers upang masuri ang kalagayan ng kalusugan ng mga residente.
Nagpapatuloy naman ang road elevation project sa barangay na itinuturing na kabilang sa central business district ng lungsod.
Pagbabahagi ni Zabala, natapos na ang road elevation sa bahagi ng Galvan St. at Rivera St. at kasalukuyan naman ang konstruksyon sa Gomez St., Zamora St. at Burgos Extension.
Nakatakda umanong matapos ang proyekto noon pang Abril ngunit tumagal dahil sa election period.
Isa umano ang Barangay IV sa mga lugar sa lungsod na lubos apektado ng baha tuwing tag-ulan na minsan ay sinamahan pa ng high tide.
Pakiusap ng opisyal ang pang-unawa at sakripisyo ng ilang residente sa naturang proyekto bilang solusyon sa malawakang pagbaha sa kabila na maaaring tumakbo sa kabahayan ang tubig baha.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments