Gamot kontra lung cancer, libre na sa buong bansa – DOH

Kasabay ng National Lung Cancer Awareness Month, inihayag ng Department of Health (DOH) na available na sa buong bansa ang libreng gamot at pagpapaggamot kontra lung cancer.

Ito ay bilang tugon sa pagdami ng kaso lung cancer sa bansa kung saan nangunguna ito sa dahilan ng pagkasawi ng mga Pilipino.

Ayon kay Health Disease Prevention and Control Bureau Chief Frances Prescilla Cuevas, ang mga indibidwal na na-diagnose na may lung cancer ay may access sa optimal treatment care kabilang ang bakuna laban sa cancer at ilang proseso na makakatulong sa paglaganap ng nasabing sakit.


Maliban dito, nagtatag din ng ahensya ng Cancer Assistance Fund (CAF) bilang suporta sa Cancer and Supportive-Palliative Medicines Access Program (CSPMAP) na nagbibigay ng libreng gamot sa mga pasyenteng may cancer.

Sa huli, mariing nagpaalala ang DOH sa publiko na tigilan na ang paninigarilyo.

Facebook Comments