Gamot na ginamit ng ibang bansa para sa COVID-19 patients, maaring ikonsidera para matugunan ang mataas na death rate ng COVID-19 sa Pilipinas

Ikinaalarma ni senate majority leader juan miguel zubiri ang nasa 10-percent na death rate ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Pahayag ito ni Zubiri makaraang umabot na sa 8 ang nasawi sa 64 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito ay iginiit ni zubiri na pag-aralang ang mga gamot na ginamit sa mga COVID-19 patient sa Thailand, Korea at India para maibaba ang antas ng mga namamatay sa ating bansa na dinadapuan ng nabanggit na sakit.


Kabilang sa tinukoy ni Zubiri ang Lopinavir, ritonavir, oseltamivir, at chloroquine sulfate.

Ayon kay Zubiri, dapat isama option ng mga ospital sa bansa ang nabanggit na mga gamot at hayaang magpasya ang mga pasyente para lumagda ng waiver na pumapayag sa nabanggit na mga gamot.

Ipinaliwanag ni zubiri, dapat gawin ng ating mga ospital ang lahat ng paraan para maisalba ang buhay ng mga tatamaan ng COVID-19.

Facebook Comments