Available na ngayon ang mga gamot para sa mental health sa Rural Health Unit 1 o RHU 1 ng bayan ng Calasiao.
Ayon sa anunsyo ng lokal na pamahalaan, ang mga naturang gamot ay para sa mga indibidwal na kasalukuyang sumasailalim sa gamutan o konsultasyon sa mga dumaranas ng anumang kondisyon sa mental health.
Inaanyayahan din ang mga nakakaranas ng stress, anxiety, depresyon, o iba pang kaugnay na sintomas na magtungo sa tanggapan para sa tamang pagsusuri at gabay.
Tiniyak naman ng mga health worker na pribado, maayos, at may malasakit ang serbisyong ibibigay sa bawat pasyente.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa RHU 1 o makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Barangay Health Station.
Paalala naman ng pamahalaang bayan na alagaan ang isipan, dahil ang mabuting kalusugan ng isip ay mahalaga umanong bahagi ng pangkalahatang kalusugan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










