Gamot sa Malaria at HIV, ginagamit na rin ng DOH para sa COVID-19 patients; convalescent plasma therapy, hindi pa tiyak kung talagang nakakatulong sa mga pasyenteng may COVID

Kinumpirma ni Dr. Marissa Alejandria ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Disease na gumagamit na rin sila ng gamot sa malaria at HIV para sa COVID-19 patients tulad ng ginagawa sa iba’t ibang mga bansa.

Aniya, kasabay ng paggamit ng investigational drugs para sa COVID patients kung saan may permiso aniya ito ng Food and Drug Administration (FDA) ay pinapipirma rin ang pasyente sa kasulatan na sila ay pumapayag na gamitin sa kanila ang gamot.

Ayon pa kay Dr. Alejandria,kabilang din sa mga binibigay nilang gamot sa COVID-19 patients bukod sa antibiotic ay paracetamol at gamot sa flu.


Aminado rin sya na hindi pa nila masasabi kung marami na talaga ang nakakarecover sa COVID dahil hindi pa nila alam ang kabuuang bilang ng mga kaso nito.

Patuloy din aniya ang clinical trial sa ibat ibang mga gamot na maaaring gamitin sa COVID-19

Ayon naman kay Dr. Deonne Gauiran, Hematologist ng PGH, hindi pa nila itinuturing na magic drug para sa COVID patients ang Convalescent Plasma Therapy.

Aniya bagamat may mga pasyente nang gumaling at dumaan sa nasabing therapy, hindi pa aniya nila masabi na gumaling ang mga ito sa plasma.

Facebook Comments