Manila, Philippines – Muling nagpaalala si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde sa mga pulis sa Metro Manila na huwag magpakampante at gawin ng maayos ang kanilang trabaho.
Ang paalala ni Albayalde ay makaraan siyang masurpresa sa ikinasa nitong surprise inspection sa police community precincts sa Pasay at Muntinlupa kung saan huli sa akto ang ilang pulis na tutulog tulog at ang iba ay nag-iinuman pa.
Ayon kay Albayalde nakakadismaya dahil hanggang ngayon ay mayruon paring bulok sa hanay ng kapulisan.
Pero babala nito sa mga tatamad-tamad, tutulog-tulog at painom-inom lamang na mga pulis na sila ay masisibak sa serbisyo at mahaharap pa sa kasong administratibo.
Una nang ni-relieved ni Albayalde ang 18 pulis Pasay at Muntinlupa dahil sa nasabing insidente.
Ang mga ito ay kasalukuyang nasa floating status at dinisarmahan.