Thursday, March 5, 2026

GAMPANIN NG MGA GURO AT MAGULANG, MAHALAGA SA PAGTUGON SA LUMALALANG KASO NG SUICIDE – LGU DAGUPAN

Binigyang-diin ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan ang mahalagang papel ng mga guro at magulang sa pagtugon sa pangangailangan ng mga estudyante upang maiwasan ang mga kaso ng suicide sa lungsod.

Sa panayam ng IFM News Dagupan, sinabi ni Councilor Cristel paras na sinimulan na ng legal body ang pagbalangkas ng mga ordinansa at programa upang tugunan ang sitwasyon.

Kasabay nito, umaaksyon na rin umano ang executive body ng Pamahalaang Lungsod sa pakikipag-ugnayan sa mga guro at magulang ukol sa mga interbensyon na gagawin sa mga susunod na linggo.

Giit ng opisyal, ang pagtutulungan ng pamilya at paaralan ay mahalaga sa pagpigil ng dumaraming kaso ng suicide ng mga kabataan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments