GANDANG BUNTIS BEAUTY PAGEANT, GINANAP SA BAYAN NG BINALONAN

Blooming ang mga naggagandahang buntis sa Binalonan, Pangasinan sa naganap na Gandang Buntis Beauty Pageant nitong September 28 sa Ramon N. Guico Sr Sports and Civic Center, ganap na ala-una ng hapon.
Ang naturang pageant para sa mga soon to be mommies ay bahagi lamang ng partisipasyon ng bayan ng Binalonan sa Buntis Congress ng Department of Health na ang layunin ay makapagbigay ng mga activities on nutrition, reproductive health, breastfeeding at family planning na makatutulong maiwasan ang tinatawag na maternal death.
Sa nasabing pageant, 12 participants mula iba’t ibang barangay ang rumampa. Subalit sa huli, si mommy Krystal Jade Castro ng barangay Sta. Catalina, Binalonan ang tinanghal na panalo. Samantala, maliban sa patimpalak, bahagi din ng Buntis Congress ang pagkakaroon ng dental services, laboratory test at free ultrasound para sa first 50 registrants. |ifmnews

Facebook Comments