Gang leader at miyembro nito, arestado sa Zamboanga Sibugay

48

Nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation Detection Group (PNP-CIDG) ang isang umano’y gang leader at miyembro nito sa Brgy. Caparan, Ipil, Zamboanga Sibugay.

Kinilala ang gang leader na si Jul Amri Dagurayan at kasama nito na si Sanarin Toto Alisane.

Sa operasyon nakuha sa kanila ang dalawang caliber .45 pistols, dalawang rifle grenades, mga magazine, at 19 rounds ng ammunition.

Sa ulat pa ng PNP-CIDG, bitbit ng mga pulis ang dalawang search warrant nang tumungo sa kinaroonan ng mga suspek dahilan para maaresto ang mga ito.

Si Alisane ay lider ng Alisani grupo na sangkot sa extortion, gun-for-hire, gunrunning, at illegal drug trade activities.

Sa ngayon nahaharap na ang dalawa sa mga kaso.

Facebook Comments