Umani ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen ang “Gang attack” na nagdulot ng brutal na karahasan sa mga pasaherong nasa Yueng Long MTR station, Hongkong dakong alas-dyis hanggang hatinggabi nitong Linggo.
Sa Facebook post ni Roger Chong, ibinahagi niya ang mga larawan ng dugo, sugatang likod, kaguluhan ng awtoridad at mga nagp-protesta.
Ayon sa inilarawan ni Roger, nagsisigawan ang mga pasahero sa loob, nagmamakaawang huwag saktan at walang matakbuhan.
Dagdag niya, malapit lamang sa police station ang pinangyarihan ng karahasan dulot ng gang protesters ngunit walang ginawa ang pulisya dito.
Rumosponde lamang ang kapulisan 35 minuto matapos ang karahasan.
Sa tala ng awtoridad, sumugod ang grupo ng nagkakagulong mga kalalakihan sa Yueng Long station na umatake sa mga pasahero gamit ang iron rods at pamalo.
Hinaing ng mga nagprotesta ay ang pagtutol sa extradition bill o Fugitive Offenders and Mutual Legal Assistance in Criminal Matters Legislation (Amendment) Bill 2019.
Naitala naman nasaktan ang buntis, mga pasahero, mamamahayag sa insidenteng atake sa Yueng Long.
Nagsimula ang mga protesta noong Marso 31, 2019 at kasalukuyan namang naka-suspend sa gobyerno ang ipinapasang bill.
Ayon sa awtoridad, higit 100 na mga kalalakihan ang kasama sa atake at anim ang naaresto ng mga pulis nitong Martes.