GANTIHAN? | Construction company ni SAP Go, pinapaimbestigahan

Manila, Philippines – Inihain ni Senator Antonio Trillanes IV ang Senate Resolution Number 889 na nagsusulong ng imbestigasyon sa umano ay bilyun-bilyong pisong mga kontrata sa gobyerno na nakuha ng CLTG Builders and Alfrego Builders and Supplies na pag-aari umano ng ama at bayaw ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go.

Batayan ng hakbang ni Trillanes ang report ng Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ na mula 2007 hanggang 2017 ay nakakuha ng 1.85 billion pesos na halaga ng infrastructure projects sa Davao Region ang nabanggit na kompanya.

Dagdag pa rito ang 2.7 billion pesos na halaga din ng kontrata na nakuha ng nabanggit na kompanya noon lamang 2017.


Sa inihaing resolusyon ay inihirit ni Trillanes na magsagawa ng pagdinig ang pinamumunuan niyang committee on civil service, government reorganization and professional regulation.

Ayon kay Trillanes, layunin ng imbestigasyon na bumalangkas ng panukalang batas para hadlangan ang conflict of interest sa mga nasa gobyerno para paboran na mabigyan ng kontrata sa pamahalaan ang negosyo ng kanilang pamilya o mga kamag anak.

Facebook Comments