GANTIHAN? | Dating CJ Sereno, pinayuhang maghain din ng quo warranto petition laban sa magiging bagong punong mahistrado

Manila, Philippines – Pinayuhan ni dating Solicitor General Florin Hilbay si ousted Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na gamitin din ang quo warranto petition para mapatalsik sa pwesto ang sinumang itatalagang bagong punong mahistrado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi ni Hilbay, may opsyon si sereno na maghain din ng quo warranto petition sa bagong Chief Justice na papalit sa kanya kung buo ang paniniwala nitong iligal ang pagkakatanggal sa kanya.

Si Hilbay ay isa sa mga abogado ni Sereno at pinalitan ni SolGen Jose Calida sa Office of the Solicitor General.


Matatandaang sa pamamagitan ng botong 8-6 ay kinatigan ng Supreme Court (SC) ang quo warranto petition ni Calida na nagpapawalang-bisa sa appointment ni Sereno noong 2012.

Kabilang sa mga kumontra sa nasabing petisyon sina acting Chief Justice Antonio Carpio and Associate Justices Marvic Leonen, Benjamin Caguioa, Estela Perlas Bernabe, Presbitero Velasco Jr. at Mariano Del Castillo.

Facebook Comments