GANTIHAN? | Trade war, nagsimula na sa pagitan ng US at China

Pinatawan na ng Estados Unidos ng 25 percent tariffs ang nasa 50 billion us dollars na halaga ng mga produktong galing China.

Ayon kay us President Donald Trump, ito ay para mapigilan ang intellectual copyright theft at maprotektahan ang trabaho ng mga Amerikano.

Dahil dito, apektado nito ang mahigit sa walong daang produkto na magiging epektibo sa July 6.


Kabilang sa mga produktong apektado ay aircraft tires at commercial dishwashers.

Agad naman gumanti ang China sa pamamagitan ng pagpapataw din ng katumbas na taripa sa US imports.

Facebook Comments