GAP, hindi sang-ayon sa paghahawak ng bandila ni Carlos Yulo sa opening day ng Tokyo Olympics

Hindi sang-ayon ang Gymnastics Association of the Philippines (GAP) na si Carlos Yulo ang humawak sa bandila ng Pilipinas sa opening ceremony ng Tokyo Olympics.

Ayon kay GAP President Cynthia Carrion, kailangan muna kasing magpahinga ni Yulo bago mag-umpisa ang kompetisyon.

Aniya, masyadong mabigat ang bandila para sa 21 taong gulang na atleta kung kaya’t tutol sila sa rekomendasyong ito ng Philippine Olympic Committee (POC).


Samantala, sa July 23 na magsisimula ang Tokyo Olympics habang sasabak naman ang two-time SEA Games gold medalist kinabukasan para sa kaniyang unang laban.

Facebook Comments