GAPOS GANG | P1.3 milyong halaga ng pera, alahas at gadgets, natangay sa isang negosyanteng Taiwanese

Valenzuela City – Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang mga miyembro ng Gapos gang na nambiktima ng isang negosyanteng Taiwanese sa loob ng bahay nito sa Barangay Canumay West, Valenzuela City.

Tinatayang aabot sa P1.3 milyong halaga ng pera, alahas at gadgets ang nata­ngay ng apat na suspek sa bahay ng biktimang sina Hsieh Te Yuan at anak na si Wei Siang Chou.

Tulad ng diskarte ng mga suspek, kanilang iginapos ang mag-ama saka ikinulong sa master’s bedroom.
Nagawa naman kalagin ng mga biktima ang pagkakatali sa kanila pero nakaalis na ang mga suspek.


Facebook Comments