GAPPAL NATIONAL HIGH SCHOOL, KAMPEON SA STREET DANCE COMPETITION

CAUAYAN CITY — Namayagpag ang Gappal National High School matapos masungkit ang kampeonato sa Street Dance Competition ng Gawagaway-yan Festival 2025 na ginanap sa Lungsod ng Cauayan.

Mula sa 17 lumahok na paaralan sa lungsod, ipinamalas ng Gappal National High School ang kahusayan sa sayaw at sining, dahilan upang masungkit nila ang unang pwesto. Samantala, itinanghal namang kampeon sa Showdown Competition ang Stand-Alone Senior High School.

Nakamit ng Pinoma National High School ang first runner-up sa parehong Street Dance at Showdown Competitions. Samantala, itinanghal na second runner-up ang Stand-Alone Senior High School sa Street Dance at ang Villa Concepcion High School – Rogus Extension naman sa Showdown.


Ang panalo ngayong taon ay itinuturing na makasaysayan para sa Gappal National High School, lalo na’t hindi sila nakapasok sa alinmang pwesto noong 2024. Kaya’t lubos ang kanilang kagalakan at pasasalamat sa muling pagbangon at tagumpay ng kanilang paaralan.

Facebook Comments