Garbage Collector na Sangkot sa Iligal na Droga, Arestado!

84

*San Pablo, Isabela- *Natimbog ang isang tagahakot ng basura na wanted sa batas matapos isilbi ang mandamiento de aresto nito ganap na alas diyes kaninang umaga sa Brgy. Binguang, San Pablo, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Ronel Datul, 29 anyos, walang asawa na residente rin ng nabanggit na lugar.

Hinuli si Datul sa bisa ng warrant of arrest na inihain ni judge Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22 Cabagan, Isabela dahil sa kasong paglabag sa section 11 at 12 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Dinala na sa San Pablo Police Station ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin nito.

Facebook Comments