GARDEN OF SACRIFICE NA LIKHA NG MGA 4PS BENEFICIARIES SA ISANG BARANGAY SA BAYAN NG ASINGAN, WAGI BILANG MODEL BIO-INTENSIVE GARDEN NG DSWD

Pitumpu’t apat (74) na miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Barangay Coldit ang tulong tulong sa pagtatanim at pag aalaga ng hayop sa kanilang nilikhang Garden of Sacrifice na wagi bilang Model Bio-Intensive Garden ayon sa DSWD Pangasinan.
Kamakailan lamang ay nasungkit nila ang overall champion bilang Model Bio-Intensive Garden at magiging kinatawan ng lalawigan ng Pangasinan para sa regional search for Model Bio-Intensive Garden Gearing to Enhance and Sustain Transformation (BIGGEST) ng DSWD Region 1 Field Office.
Samantala, hindi lang ito ang kanilang nakamit sa 1,500 square meter na ‘garden of sacrifice’ sapagkat nagbunga rin ang kanilang sakripisyo sapagkat napapakinabangan ng mga 4Ps beneficiaries ang mga ani at nakapagbebenta na rin sila ng iba produkto mula sa mga tanim gaya ng banana chips, sukang mangga, artem at atchara at higit sa lahat nakabawas ito sa kanilang gastusin sapagkat maaari sila makukuha rito ng kanilang pagkain na masustansya at sariwa pa.

Layunin ng nasabing aktibidad na maging huwaran din sa ibang mga mamamayan at maalis sa kaisipan ng ilan na hindi porket 4Ps ay tamad at naghihintay ng benepisyo bagkus kayang gumawa ng paraan at kumilos upang may pagkakitaan. |ifmnews
Facebook Comments