Gardo Versoza, titigil na raw sa pagti-TikTok?

Tigil muna ang aktor na si Gardo Versoza sa pagti-TikTok sa darating na Semana Santa.

Say ni Gardo, nakalakihan na niya ang paniniwalang dapat ay wala kang ginagawa kapag Semana Santa, lalo na kapag Biyernes Santo.

Ito raw ang panata na kanyang sinusunod tuwing Semana Santa lalo na’t marami raw siyang dapat ipagpasalamat sa Diyos.


Nabatid na sunud-sunod na blessings na dumarating kay Gardo kung saan kahit may pandemya ay marami pa rin dumarating na projects sa kanya.

Sa ngayon ay kinatutuwaan ng mga netizen si Gardo dahil sa mga nakaaliw niyang pagsayaw kasama ang asawa sa TikTok.

Facebook Comments