Garin, itinanggi ang mga alegasyong ipinupukol sa kanya kaugnay ng Dengvaxia controversy

Manila, Philippines – Itinanggi ni dating Health Secretary Janette Garin ang mga alegasyon laban sa kaniya.

Ito ay kasunod ng rekomendasyon ng Kamara na sampahan siya ng kasong graft, technical malversation at civil charges kasama ang iba pang dating opisyal ng gobyerno dahil sa kontrobersyal na Dengavxia.

Ayon kay Garin, “recycled charges” ang akusasyon laban sa kanya at nasagot na niya ito sa Department of Justice (DOJ) at sa National Bureau of Investigation (NBI).


Aniya, walang nangyaring sabwatan at malinis ang kanyang konsensya.

Giit pa ni Garin, ikinalungkot niya na nagdulot ng takot sa vaccination program ng gobyerno ang isyu sa Dengvaxia.

Facebook Comments