Gary Alejano, kumpiyansa na malilinis ang pangalan sa kaso ng sedition

Manila, Philippines – Handa na si dating Magdalo Representative Gary Alejano na harapin ang preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) sa kasong sedition at inciting to sedition na isinampa laban sa kaniya at sa iba pang miyembro ng oposisyon at ilang obispo.

Sa isang kalatas pambalitaan, sinabi ni Alejano na pagkakataon ito upang mapalabas ang katotohanan.

Umapela si Alejano sa publiko na huwag magpalinlang sa naturang propaganda.


Nanindigan si Alejano na walang basehan ang pagsasampa ng naturang kaso at malinaw na isa lamang itong panggigipit pampulitika.

Aniya, isa itong pakana upang ilihis ang taumbayan sa mga  kapalpakan ng administrasyong Duterte.

Maliban kay Alejano, kasama bilang respondents sina Vice President Leni Robreso, Senadora Leila de Lima at Risa Hontiveros at dating senador Antonio Trillanes IV.

Kasama rin sina Otso Diretso Senatorial Candidates Bam Aquino, Chel Diokno, Samira Gutoc, Florin Hilbay, Romulo Macalintal at Erin Tañada.

Dawit din sina Archbishop Socrates Villegas, Bishops Pabillo Virgilio David, Teodoro Bacani Jr. at Honesto Ongtioco.

Facebook Comments