Ayon sa opisyal na pahayag ng Manila Genesis, management team ni Gary Valeciano, tuloy ang 2nd night concert ng singer sa Araneta Coliseum mamayang gabi.
Ang anunsiyo ay kaugnay ng napabalitang pagkakasakit ni Gary V. habang idinaraos ang unang gabi ng kanyang concert sa Araneta Coliseum noong nakaraang Biyernes. Kung saan maagang tinapos ang nasabing concert upang makapagpahinga ang singer.
Kaya naman inantay ng publiko ang anunsiyo ng kampo ni Gary V. kung matutuloy ba ang ikalawang gabi ng concert mamayang alas-8 ng gabi.
Humingi ng paumanhin si Gary V. dahil sa pagkaka-delay ng announcement pero tiniyak ng kanyang management team na tuloy na ang concert mamayang gabi.
Facebook Comments