Gary Valenciano, naglabas ng bagong version ng isang kanta para i-alay sa mga biktima ng COVID-19

Naglabas ng bagong bersyon ng kantang “Take Me Out of the Dark” si Mr. Pure energy Gary Valenciano para i-alay sa mga biktima ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon sa singer, nais niyang mabigyan ng inspirasyon ang kapwa niya Pilipino na huwag matakot at alalahanin ang presensiya ng panginoon.

Ang nasabing kanta ay isinulat ni Gary V. na hango sa mga talata ng bibliya na ini-realease noong 1988 at humakot ng ilang awards.


Facebook Comments