Gary Valenciano, nasa maayos nang kalagayan matapos umabot sa “dangerously high” ang sugar level

231

Tiniyak ng Filipino singer na si Gary Valenciano na nasa maayos na siyang kalagayan matapos tumaas ang sugar level ng kaniyang katawan.

Nabatid na sa Twitter account ng singer nitong Martes, sinabi nito na nangangailangan siya ng panalangin matapos mahirapang maibalik sa normal ang kaniyang blood pressure.


Dinagsa naman ito ng mga komento mula sa mga netizens na sinabing ipagdarasal ang aktor.

Ngayong araw, muling nag-post si Gary na nagsabing nasa maayos na siyang kalagayan at pinasalamatan ang kaniyang mga fans.

Si Gary ay nakikipaglaban sa sakit na type 1 diabetes mula pa noong siya ay labing-apat (14) na taong gulang pa lamang, at dumaan na sa libo-libong insulin injections.

Facebook Comments