Gas leak explosion sa BGC, Taguig City, hindi dapat ikaalarma ng publiko ayon sa Taguig LGU

Inihayag ngayon ng Taguig City Government na walang dapat ipangamba at ikaalarma ang publiko sa nangyari na gas leak sa isang construction site sa harap ng Akari Building sa 21 St. Drive, Bonifacio Global City sa Taguig City kagabing pasado alas-7:00 ng gabi.

Ito ay makaraang aksidenteng matamaan ng ginagawang drilling operation ng isang ng isang construction worker ang gas pipe sa construction site, dahilan para ito ay sumabog.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayeno, agad naman umanong naapula ang gas leak at na-confine ng mga bombero at otoridad sa construction site.


Bukod dito, pagtitiyak pa ni Mayor Cayetano habang hindi pa tapos ang safety assessment at ang imbestigasyon, mananatiling suspendido ang operation ng MJ Fort Construction.

Base sa tala ng Bureau of Fire Protection (BFP), alas-9:45 nang tuluyan ng maapula ang apoy at isa ang naitalang nasugatan na nagtamo ng 3rd degree burn sa mukha at katawan na nakilalang si Melchor Dela Cruz, 35-anyos, isang safety officer ng construction site.

Facebook Comments