GASOLINAHAN SA TAYUG, NAHULI SA OVERPRICING NG DIESEL SA KABILA NG BANTA NG DOE

Nahuli ng mga awtoridad ang isang gasolinahan sa Barangay Amistad, Tayug matapos magbenta ng diesel na lampas sa itinakdang presyo ng Department of Energy (DOE).

Batay sa isinagawang monitoring ng DOE katuwang ang Philippine National Police (PNP) noong Lunes, isang araw bago ang itinalagang pagtaas ng presyo, lumabag sa price range na itinakda ng ahensya ang naturang gasolinahan sa pagbebenta ng diesel at iba pang petroleum products.

Ayon sa DOE, ang allowable pump price ng diesel mula Marso 6 hanggang Marso 9 ay humigit-kumulang ₱54 hanggang ₱56 lamang kada litro.

Dahil dito, nabigyan ng Notice of Violation ang naturang establisimyento upang agad na isaayos ang kanilang pump price.

Paalala ng DOE, ang hindi pagsunod sa itinakdang presyo ay maaaring magresulta sa suspensyon o tuluyang pagbawi ng business permit ng gasolinahan.

Ayon pa sa mga awtoridad, magpapatuloy ang mahigpit na monitoring sa mga gasolinahan sa bayan lalo na ngayong ramdam ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments