Gasoline Boy, Hinoldap ng Riding-in-Tandem?

Santiago City, Isabela- Naholdap umano ng hindi pa matukoy na mga suspek ang isang lalaki pasado alas diyes ng umaga kahapon sa Brgy. Rizal, Santiago City, Isabela.

Ang biktima ay kinilalang si Lorenzo Lazaro, trenta anyos, walang asawa, gasoline boy at residente ng Brgy. Villasis Santiago City at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Balintocatoc sa naturang lungsod.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan sa Santiago City Police Station 1, dumulog umano sa kanilang himpilan ang biktima na ito ay naholdap ng dalawang lalaki.


Batay umano sa pahayag ng biktima, binabaybay umano nito ang kahabaan ng Brgy. Sitio Quirat lulan ang kanyang motorsiklo upang magre-remit ng collection sa kanyang employer nang biglang harangin at tutukan umano ito ng baril ng dalawang lalaking naka-helmet at kinuha ang kanyang sling bag na naglalaman ng perang mahigit siyamnapung libong piso.

Matapos umanong kunin ng dalawang suspek ang kanyang bag ay agad ding tumakas lulan ang kanilang walang plakang Honda XRM na motorsiklo.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang pagsisiyasat ng kapulisan hinggil sa umano’y naganap na Holdap.

Facebook Comments